one year na ko….
i year ago,naalala ko ang sarili ko na umiiyak habang naliligo,habang nakaharap sa salamin,habang nagbibihis,isang taon na pala ang nakalipas ng umalis ako ng Pilipinas papuntang abu dhabi para subukan ang bagong buhay ang bagong lugar ang bagong mundo….nagising ako ng araw na yun nung dumating ang kaibigan ko para ibigay sakin ang remembrance niya para sa pagaalis ko..hindi ko napakita pero halata nya ang lungkot sa aking mga mata,nang umalis sya at magpaalam umiyak na naman ako..isang mahigpit na yakap at mga salitang mag-iingat ka palage dun..sunud-sunod ang tunog ng aking telepono,mga message nula sa mga matatalik kong kaibigan na nagpapaalam at nagsasabing good luck sayo va..mag-iingat ka..mahal ka namin,wag kang makalimot!dun ko nalaman at naramdaman na ang dami ko pa lang kaibigan na totong nagmamahal sakin..ang mga papbaon nilang salita ang nagbigay ng lakasa loob…tanghali…oras na ng aking pag-alis sa tahanan naming 24 na taon kong pinuno ng tawa,ligaya,iyak,sama ng loob…dumating ang mga lola ko…lahat pabaon ay kanilang mga dasal…maraming salamat!one thing that really made me cry that day is noong time na kailangan ko na lang magpaalam sa lula…ayaw kong lumabas ng bahay ayoko makita siya ayaw kong magpaalam sa kanya…pero kailangan na…ang yakap niya ang mga salita niya,..miss na miss kita lola asyon…tuluyan na nga ako umalis at iniwan ang inicbulan…ang aking pamiya ang aking mga kaibigan…Momi emie,Nova,dang,king,jovan,miller,donna,joana,kim..mga text nila ang huli ko natanggap..at syempre ang pinsan ko si jem sobra naiiyak ako sa mga text nya nung araw na yun…sya ang last ko katext bago ako magboard…dumating na ang oras na kailangan ko na magpaalam talaga sa Pilipinas..habang papaakyat ako para nag-check-in..ng kunin ko ang maleta ko sa tatay tony,ng yakapin at magpaalam na ang inay eva sakin..at huli ang inay…doon ko naramdamn ang sobrang lungkot..toto na yun..hindi ako lutang aalis na talaga…hindi ako lumingon para tumingin sa kanila…pumasok ako ng eroplano..umupo,fineel ko talaga ang airplane…first time ko eh..almost 10hrs n byahe sa himpapawid..diko naramdaman dahil sa naaliw ako sa panonood ng mga movie..at lumapag na nga ako sa abu dhabi!excited..paglabas ko ng airport andun na ang tatay ko hinihintay ako…30mins byahe papaunta sa bahay na tititrahan ko dito..parang wala namang pagod..at dun na nga nagumpisa ang buhay ko dito sa abu dhabi..masaya,malungkot,exciting,nadagdagan ng friends,naadik sa fb,nagkatrabaho for the first time,nagkaroon ng sariling pera,in little way nakakatulong sa pamilya,nakakashare ng blessings….all in all walang pagsisi,masaya ang buong isang taon ko dito kahit nakakamiss talaga ang pinas..and im looking forward for another bleesed year here in abu dhabi….maraming salamat Lord Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito…praise you..i love you..thank you for the love,for the strength,for the courage and wisdom…may you continue to blessed so in my little way i can be a blessing to others….sa mga taong naiwan ko sa pilipinas at sa mga taong ang aking bagong nakasama at nakilala maraming salamat sa inyo…:)<3

